|  | 
| Ibulong Sa Hangin 
 Halata ba sa ‘king mga mata
 Na ako'y may nais padama
 Ngunit ako'y nangangamba
 Baka may masaktang iba
 
 Halata ba sa kilos ko't galaw
 Puso ko'y may nais isigaw
 Ngunit ‘di mabigkas ng labi
 Nag-aalangan kung tama o mali
 
 Chorus:
 Ano bang dapat kong gawin
 Sa magulong isip at damdamin
 Di ko yata kayang sabihin
 Wala na ‘kong magagawa kung di
 Ibulong sa Hangin
 
 Halata ko sa ‘yong mga mata na
 Mayroon kang nais pabatid
 Sana'y hanggang dito na lamang
 Pagkat ayaw ko rin masaktan
 
 Chorus
 
 Sa hangin kita hahagkan at yayakapin
 Wag kang mag-alala di to malalaman ng iba ng iba
 
 Chorus
 
 |  |  |